Derek Ramsay emotional at umiyak sa kasal nila ni Ellen Adarna



Ginulat nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang publiko ng magpakasal ito noong November 11, 2021. Isang intimate wedding ang idinaos nang dalawa sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort. Ito ay isa sa kilalang mountain resort sa Bataan.




 Kumpleto ang kanilang malalapit na kaibigan na dumating at makipagdiwang sa kanilang kasal. Ayon pa sa report ay naging emotional sa nasabing kasal ang actor at nakuhanan pa itong umiiyak habang naglalakad palapit sa kanya si Ellen. 



Makikitang namamaga na ang mga mata ni Derek dahil sa pag-iyak, makikitang namumula na ang kanyang mga mata. Talagang pinaghandaan raw ni Derek ang araw na ito upang maging isang espesyal na karanasan nilang mag-asawa. Suportado naman ng ina at ama ni Derek ang pagsasama ng dalawa at botong-boto sila kay Ellen Adarna. 





Hindi rin napigilan ni Ellen ang maging emosyonal habang naglalakad sa aisle habang hinihintay ito ng kanyang inang si Meriam Go at kapatid nitong lalaki na kamukhang-kamukha niya. Isa rin sa dahilan kung bakit emosyonal si Ellen ay dahil wala doon ang kanyang ama upang ihatid siya sa altar, pumanaw na ito ilang taon na ang nakakaraan. Isa ito sa mga dahilan noon kaya na depress si Ellen. Ngunit ngayon nga ay nandiyan na si Derek, sabi pa niya si Derek ang nagbalik ng sigla sa kanyang buhay. 



Makikita rin na magkasamang naglalakad sa aisle ang anak ni Derek na si Austin Ramsay at anak ni Ellen at John Lloyd na si Elias Modesto kasama pa ang kanilang aso.




Ayon sa balita, masaya na din si John Lloyd para sa kanyang dating nakarelasyon at masaya din ito na maganda ang pagtrato ni Derek sa kanyang anak at ni Austin bilang nakakabatang kapatid. 




Maraming celebrity at kilalang personalidad ang dumalo sa naturang kasal, isa sa kanilang flower girl ay ang anak ni Beauty Gonzales na si Olivia Gonzales-Crisologo at kilalang child superstar na si Scarlet Snow Belo.



 Makikita rin ang mga nasabing sponsors o ninang ang kilalang dematologist na si Dr. Vicky Belo na isa sa mga avid supporter ng dalawa kahit na marami ang bumabatikos sa kanilang pagsasama noon. Marami pang ibang kilalang artista at mga businessman at businesswoman ang dumalo sa naturang kasal.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form