Katotohanan sa Pambubully kay Karylle sa It's Showtime! Totoo nga ba?


Kilala na ang It's showtime host na pamilya na ang turing sa isa't-isa, hindi lamang sa premyadong artista na makikita sa harap ng camera, maging ang buong production staff. 



Madalas silang napapanood na nagbibiruan sa harap ng mga madlang pipol at madalas ang biruang ito ay nagkakapersonalan.



Kaya naman kitang-kita talaga ang closeness nila sa isa't-isa. Umabot pa nga sa punto na maraming namumuong loveteam sa mga host ng It's Showtime at nagkakatuluyan sa totoong buhay. Nariyan ang mga loveteam noon nila Anne Curtis at Vhong Navarro, Coleen Garcia at Billy Crawford (na nauwi sa pagiging mag-asawa ng dalawa) at unexpected kilig na hatid nina Vice ganda at Karylle sa isa't-isa ay bentang-benta sa madlang pipol. 



Nabuo ang kanilang tambalan na Viceryl na palaging inaabangan ng mga audience. Pero February 2014, nagkalamat ang samahan ng dalawa na itinuturing Bestfriends ang isa'-isa, ito ay nag-ugat dahil umano sa kasintahan noon ni Karylle ang Lead Vocalist ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon kung saan hindi nagugustuhan ang pagpapares sa kanyang magiging misis kay Vice Ganda.



Unang nagsimula ang pagbabago ni Karylle kay Vice noong Thanksgiving Party sa success ng movie ni Vice na Girl Boy Bakla Tomboy na entry sa MMFF. may groupchat ang mga It's showtime host noon kung saan nagmessage si Vhong at Anne sa kanya noon kung nasaan na siya, sumagot raw ito na hindi naman siya invited kaya hindi siya makakapunta. Sagot raw ni Vhong, "Paanong hindi ka invited, eh lahat naman tayo invited. sabay-sabay tayong ininvite at tsaka bakit hindi ka naman invited eh invited ang lahat, nandon ka nga ng ininvite tayo. Halika na, 'wag kang KJ!" at marami pang sumunod na nangyari.. 




Ikinasama daw nang loob ni Vice ang mga dahilan ni Karylle para hindi umattend sa victory party ng pelikula niya. Dahil dito ayun kay Vice ipinaramdam niya kay Karylle ang pagtatampo sa pamamagitan ng hindi pagpansin dito. Pero hindi rin naman nagtagal ang hindi niya pagpansin kay Karylle. 

Matapos silang magkaayos, panibagong hindi pagkakaunawaan na naman sa pagitan ni vice at Karylle ang nangyari. Noong Pebrero 2014, nang makarating ang balitang nagseselos si Yael sa pagpapartner ni Karylle kay Vice. 


Sobra umanong na-offend si Vice sa nabalitaan at umiwas ito. Ang pag-iwas na ito ni Vice ay hindi lamang sa pagtatampo, katwiran niya "Kung ganun pala, sige iiiiiiwas ako. Hindi ako didikit sa kanya dahil baka bugbugin pa ako ng Jowa niya. Para wala ng issue. Iwas na lang ako." Dineny raw ni Karylle ang pahayag at kinausap si Vice kung ano ang totoo, kaya sinabi ni Vice baka sila ni Direk Bobet ang may issue kaya dapat magkausap ang dalawa. 



Ngunit ang lahat ng ito ay nilinaw ni Yael at humingi na rin siya ng paumanhin kay Vice. Agad naman itong tinanggap ni Vice at nagkaayos silang lahat bago ang kasal nina Yael at Karylle noong March 2014. 


Naging okay na nga sila ng maganap ang ikaanim na Anniversary ng It's showtime, kung saan nagperform si Vice as a rock band singer at lalaking-lalaki ang postura nito. Inilabas nito ang kanyang male outer ego na si Viceral at kinanta ang awitin ni Katy Perry na I kissed a girl at parte ng programa ay ninakawan nito si Karylle ng halik sa labi kung saan gulat na gulat naman si Karylle. 

Ang naturang eksena ay nagviral, marami ang kinilig pero marami rin ang hindi natuwa sa ginawang ito ni Vice lalo na't may asawa na si Karylle at inabuso umano ni Vice si Karylle sa ginawa niyang ito. Kaya marami sa mga netizen ang nag-speculate na inabuso o binully umano si Karylle sa programa. Lalo pa't hindi gaanong kalakas ang personalidad nito dahil sa pagiging mahinhin nitong gumalaw.. 


Nitong taon lamang, noong kanyang ika 40th birthday ay napabalitang umalis si Karylle sa It's showtime family.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form