Eto na ang buhay ngayon ni Kylie Padilla pagkatapos ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica



Nitong mga nakaraang linggo ay naging matindi ang mga pagsubok sa katatagan ng aktres na si Kylie Padilla. Bukod sa naisapubliko ang hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica ay ibinulgar pa nito ang mga private matters nilang mag-asawa.



Dagdag pa ang pagsawsaw ng ilang mga showbiz columnist na talaga namang sumubok sa katatagan at pasensya ni Kylie.

Samantala, bilang Ina ay nandiyan naman si Leizl Sicangco para samahan ang kanyang anak upang mabilis itong maka move-on. Lately isinishare ni Leizl ang masasayang moments nila ni Kylie kasama ang isa pang anak niyang si Queenie. Ito ay matapos ang matitinding intriga na ibinato sa kanyang anak na si Kylie.



Samantala si Aljur Abrenica naman ay ipinakita sa kanyang latest social media update nitong November 05, na nasa kanya ang mga anak nila ni Kylie at magkakasama silang natulog.


Ipinasilip niya rin kung paano niya binibigyan ng quality time ang mga anak at kung gaano kamahal ito ng kanyang mga magulang.

Matatandaang mismo ang beteranong aktor na si Robin Padilla ang umamin sa hiwalayan ng kanyang anak na si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica.


Ngunit sa kabila ng lahat ay marami pading mga netizens na umaasa na sana magkaayos na sina Kylie at Aljur, marahil hindi lang silang dalawa ang makakaranas ng matinding pagka-sawi sa pamumuhay nila, kundi pati narin ang kanilang mga anak ay maaaring maging apektado din.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form