Gwapo at magagandang mga anak nina Patrick Garcia at Nikka Martinez, kilalanin!


Si Franz Patrick Velasco Garcia o mas kilalang Patrick Garcia, ipinanganak noong September 14, 1981 (40 ears old), ay isa sa kilalang aktor noong dekada' 90 dahil sa husay nito sa pag-arte at sa gwapo nitong mukha. Isa rin siya sa itinuturing na Heartthrob noong kapanahunan niya.



Sa edad na 13, nagsimula ang karera ni Patrick Garcia ng kumbinsihin siya ng kanyang nakakatandang kapatid na artista na si Cheska Garcia na subukang umarte. Sinubukan niya ang 1994 Philippine movie, Separada, at naging cast agad ito. Ang pelikulang ito ay agad namamng tinanggap ng mga tao at naging instant hit. 



Dito na nga siya nakilala at tinaguriang new heartthrob ng Philippine Televesion. Hanggang sa dumami ng dumami ang naging proyekto ni Patrick Garcia at nakatanggap siya ng maraming mga Awards, isa na nga dito ang Best Actor of the Year (14th Star Awards).



Naging magkasintahan non sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, nagkaroon sila ng anak na ipinanganak ng aktres noong August 16, 2008, si Alex Jazz Mercado. Noong June 2008, lumipad papuntang New york ang aktor  at iniwan si Jennylyn habang ito ay nagdadalang-tao noong panahon na iyon upang ipursue ang kanyang pag-aaral sa sa pagdidirek sa New York University. 

Ngunit sa kasawiang palad ay hindi siya nagtagumpay at bumalik na lamang sa Pilipinas noong ikinasal ang kanyang nakakatandang kapatid na si Cheska Garcia kay Doug Kramer, isang Basketball player.



Noong March 2015, ikinasal siya kay Nikka Martinez at nagkaroon sila ng apat na anak, isang lalaki at tatlong babae: sina Michelle Celeste "Chelsea" (2012), Nicola Patrice (2016), Francisca Pia (2017), at Enrique Pablo (2021).




Si Alex Jazz Mercado ang unang anak ni Patrick, sa Ex nitong si Jennylyn, isa na ito ngayong ganap na Teenager. Noon lamang August 16, 2021 ay nagcelebrate ng ika-13 kaarawan si Jazz. Ang binata ay na-diagnose ng Autism Spectrum Disorder at nangangailangan ng special treatment at pangangalaga.



Si Michelle Celeste "Chelsea" ang unang anak nina Patrick at Nikka. Si Chelsea ay isang napakatalinong bata. Noong 3 years old pa lamang siya ay alam na niyang magsalita ng tatlong dialect: Bisaya, Tagalog, at English. Nag-aaral na rin siyang magsalita ng Mandarin. Habang lumalaki si Chelsea na nakikitaan na ito ng talento sa pag-arte at pagsasalita sa harap ng Camera. Sa ngayon nga ay kasa-kasama na ito nina Patrick at Nikka sa kanilang Family Vlog at mayroon din itong sariling Vlog. 




Nicola Patrice, ikalawang anak nina Patrick at Nikka, Si Patrice ay sobrang kinagigiliwanng mga netizen especially ng mga followers ni Nikka sa IG dahil sa katawa-tawang kilos nito at talento. kung ang Ate niya ay Kikay, siya naman ay Kenkoy. 




Si Francisca Pia naman ang pangatlong anak ng mag-asawa, Tulad din ng kanyang mga ate ay sobrang Kikay at kulit ni Pia. Malambing din ang pangatlong anak nina Patrick at Nikka. Sa ngayon ay kasa-kasama na siya ng kanyang mga ate sa paghohome-schooling nila.




Ang bunso ay si Enrique Pablo, ang bagong silang na sanggol ng mag-asawa. Matagal din itong inaasam-asam ni Nikka na magkaroon ng Baby boy na tulad kay Jennylyn Mercado. Bata pa nga si Enrique Pablo pero nakikitaan na ito ng kagwapohan na tulad ng kanyang Kuya Jazz at daddy Patrick, halatang may pinagmanahan talaga. 


Ngayon, nakilala na natin ang mga anak ni Patrick Garcia. Abangan natin ang future happenings sa buhay nila. Mag-aartista rin kaya sila? Abangan! 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form