"Pantasya ng Bayan" Joyce Jimenez, Ano kaya ang dahilan ng pagkawala ng kanyang kasikatan?



Naaalala niyo pa ba ang "Pantasya ng Bayan" na si Joyce Jimenez? 



Ano kaya ang nangyari sa kanya bakit siya nawala sa Philippine TV? 

Ang pangalan niya ay nakatatak na sa puso't isip ng kanyang mga tagahanga, ngunit sa kabila ng kasikatan ng Sexy star na si Joyce Jimenez ay bigla na lamang itong ng nawala sa pag-aartista.




Si Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic o mas kilala sa pangalang JOYCE JIMENEZ ang tinaguriang original na "Pantasya ng Bayan". 


Si Joyce ay pinanganak sa Los Angeles, California, USA noong March 21, 1978. Siya ay lumaki sa Los Angeles at nag-aral sa Bishop Amat High School sa La Puente, California. Natanggap sa UCLA (University of California, Los Angeles) si Joyce ngunit ito ay hindi niya tinuloy dahil bumalik siya ang Pilipinas ng panahong yaon.

Noong 1996, sumali sa isang Beauty Pageant si Joyce noon sa Miss Taguig - Hollywood. Ngunit hindi siya nanalo, pero na nakoronahan naman siya bilang Miss Photogenic.



Si Joyce ay nagsimulang makipagsapalaran mula sa mga pelikula hanggang sa pagnenegosyo. Siya ang nagmamay-ari ng Skin-Private Joyce na expert sa mga produktong pampaligo at pampaganda. Nagbukas din siya ng Lingerie line na Private Joyce Intimate Collection partnership kasama ang Ever Bilena Cosmetics Inc.



Ikinasal si Joyce sa Filipino-American na si Paul Ely Egbalic na miyembro ng US Air Force na taga-Vallejo, California noong August 23, 2008 sa Walnut, California. 


Noong September 29, 2008, si Joyce ay nagtamo ng malubhang pinsala sa isang aksidente sa sasakyan sa Urdaneta City, Pangasinan mula sa kanyang taping sa Baguio para sa "Philippine Scariest Challenge" ng ABC TV5. 

Nang dahil sa kanynag pag-iwas sa isang truck, ang kanyang Toyota 4Runner ay nabaliktad ng apat na beses at tuluyang nawasak ng gumulong ito sa isang palayan. Siya ay ginamot noon sa Urdaneta City Sacred Heart Hospital at inilipat nalang pagkaraan sa Medical City, Pasig. Ang kanyang binti ay lubhang nasugatan, may mga kunting pasa siya, kailangan niyang magsoot ng brace para sa kanyang leeg, at may mga maliliit na tahi sa kanyang mukha.




Nagdesisyon siyang magretiro sa kanyang career sa showbiz mula noon at nagfocus na lamang sa pagsisimula ng pamilya sa America. 


Sa ngayon ay isa na siyang Super Mom na hands-on sa pagpapalaki sa kanyang tatlong anak.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form