Jennica Garcia, PINAGALITAN ng kanyang AMA? Bakit kaya?

Biglaang binura ni Jennica Garcia ang kanyang IG post kamakailan lang ng pagalitan siya ng kanyang Papa.


Alam naman ng lahat na si Jennica Garcia ay hindi gaanong nagpapasexy before ngunit nagbago siya ng appearance simula ng tawagin siyang "Losyang" ng isang netizen. Simula noon ay natutunan na niyang manamit ng sexy at nagsusuot na rin siya sa Trends na damit ngayon. 




Samantala, sa kanyang pagbabago ng appearance ay may isang taong hindi natuwa dito, ang kanyang PAPA. 





Bagaman hindi sila magkasamang madalas ng Ama dahil siya ay may pamilya na, makikitang napaka-protective parin ito sa kanyang anak na si Jennica. 





Akala ko pag 31 years old, turning 32 next month pwede na.

Sabay nag text ang Papa Jigo ko.
Ginamitan ako ng CAPSLOCK.
Dalawang beses sinend!
Syempre natakot tayo, opo.
Dapat makinig sa magulang, opo.
Binura natin agad yung picture na in-upload natin this morning kahit hindi naman sinabing burahin. 
Marunong dapat tayong makiramdam, opo.

May mga gusto pa ko i-upload in the coming days, wag na natin ituloy. 
Mahirap ng magamitan ulit ng capslock ni Papa.

@ashleyogarcia @aubreyogarcia 
Wag niyo na balakin.
ilabas ulit ang mga rash guard at board shorts natin.
Yari tayo kay Papa. Try niyo pag 40 years old na tayo baka pwede na.
Biro lang Papa, i love you.
Hindi na maulit.

EDIT:
Intro pa lang ng Papa ko shaking na ko eh.
Gamitan ba naman ako ng "Jennica".
Eh ang Papa ko pag tumawag yan o magtext laging "Anak ko", "Mahal ko".
Eh ang intro... Jennica.
Napasabi talaga ako ng "Lord, help."


Bura bura din. Walang 31 turning 32 sa mga tatay natin.




Ang caption ni Jennica sa kanyang IG post kamakailan lang.


Agad naman naghakot ng attention sa mga netizen ang post na ito ni Jennica at sinundan pa niya ng PAPA REVEAL post, kung saan ipinost niya ang mukha ng kanyang Papa Jigo.




PAPA REVEAL

Para sa nag re-request ng Papa Reveal, ito po ang favorite picture ko ng Papa Jigo ko.

Hmm... CAPSLOCKAN ko nga rin si Papa. Sabihin ko magdamit siya. Tsk! Kala mo po Papa, sesendan po kita ng Bible Verses. Isa sa Old Testament. Tatlo sa New testament.

Uumpisahan ko message ko ng ... "ALFREDO".

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form