Pambabastos ni Kim Chiu kay Bea Alonzo, isinapubliko! May alitan nga ba ang dalawa?

Nagviral ang Instagram story post ni Kim Chiu sa social media kung saan kuha ito sa hallway ng ABS-CBN network, kung saan tinatanggal ng mga tauhan ng maintenance ang isang portrait.





Sa video mapapansin na masayang-masaya si Kim at kasama nito sa video si Tiyang Amy Perez, co-host niya sa It's Showtime. Habang binabaklas ang portrait, tugon ni Kim kay Amy Perez "Tiyang Amy ikaw na ang susunod diyan!", saad naman ni Tiyang Amy, "Picture ko nga yung tinatanggal!"


Tawang-tawa parin si Kim hanggang sa tuluyang nagkulitan ang dalawa sa mas malawak na portrait na ililipat umano ang picture ni Tiyang Amy. 


Ang simpleng post na ito ay naging viral kahit sa unang tingin ay wala namang malisya. Pero sa talas ng mga mata ng netizens hindi ito nakalusot sa kanila. 


Kung titingnan sa video na post ni Kim, ang portrait na binabaklas ay napagitnaan ng larawan nila Piolo Pascual at Jericho Rosales. 


Hanggang sa nakalkal ng mga netizens na ang naturang larawan na nakunan ni Kim Chiu na kanyang pinagtatawanan ay ang portrait pala ni Bea Alonzo, na kasalukuyang wala na sa ABS-CBN network. Ang naturang video ay binura na ni Kim Chiu, pero hindi ito nakaligtas pa sa pambabatikos ng supporters ni Bea. 


Ang ilang netizens tinawag si Kim na "MARITES ng ABS-CBN", ayon sa mga komento. Dahil dito napabalita na talaga ngang napag-usapan nila si Bea Alonzo privately. 


Matatandaang ngayong taon lamang ay lumipat si Bea sa GMA network kung saan siya ay mainit na tinanggap bilang bagong Kapuso Star. Kaliwat-kanan narin ang kanyang mga projects at endorsements, at ngayon nga ay matunog ang kanyang mha sexy yet classy pictures bilang isang calendar girl ng isang brand ng Alak. 



Malaki ang koneksyon nina Bea at Kim dahil pareho nilang Ex-boyfriend si Gerald Anderson. Matatandaang isa sa mga pinakamalalaking loveteam ng ABS-CBN noon ang KIMERALD at ang kanilang pagsasama on-screen ay nauwi rin sa totoong buhay. 



Naging magkasintahan sina Kim at Gerald at napakalaki at solid nang kanilang Fan pace na kung saan napaka overprotective din. Pero noong 2010 nagkahiwalay sina Kim at Gerald, ang dahilan umano ay si bea Alonzo. Nakita rin sa Star Magic Ball noon na kasama ni Gerald si Kim na pumasok noon sa party pero iniwan ito ng aktor at lumabas ito na iba ang ka holding-hands at iyon nga ay si Bea Alonzo. 


May galit pa nga ba ang dalawa sa isa't-isa? 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form