Cristy Fermin naglabas ng saloobin sa matagal na pananahimik ni Angel Locsin sa social media

Naglabas ng kanyang saloobin si Cristy Fermin sa pananahimik ngayon ni Angel Locsin sa social media.

Cristy Fermin naglabas ng saloobin sa matagal na pananahimik ni Angel Locsin sa social media

Huling post kasi ni Angel Locsin sa kanyang instagram ay noon pang August 1 2022 na kung saan nagbahagi siya ng mga larawan sa binyag ng anak ni Angelica Panganiban. Pagkatapos nun ay wala ng kahit isang post ang actress.

Kaya marami sa kanyang mga fans at followers ang nag-alala kung nasaan na ngayon ang actress.

Dahil dito ay maraming netizens ang nag-iisip na baka raw nagkaroon ng problema ang relasyon nila ng asawa niyang si Neil Arce, o di kaya ay dahil sa kalagayan ngayon ng ama ng actress.

Sa recent show ni Fermin na 'Cristy Ferminute' ay naglabas ng saloobin siya ng saloobin sa pananahimik ni Angel. Marami na raw kasing netizens ang nagtatanong kung nasaan na nga ba ngayon ang actress.

"Nasaan na nga ba si Angel Locsin?”sey ni Fermin 

Hindi rin daw alam ni Fermin kung nasaan nga ba ngayon si Angel. Hula ni Fermin baka raw dahil sa kanyang ama kaya tahimik ngayon ang actress.

“Alam naman natin na si Angel ay talagang makaama. Siguro ay binibigyan niya ng panahon si Daddy Angel (Angelo Colmenares) para makasama sa araw-araw,” sabi ni Fermin 

"Sana isang araw, mag-post naman si Angel at sabihin niya sa kanyang mga tagahanga at ating mga kababayan, ‘Huwag po kayong mag-alala sa akin, sa aming dalawa ni Neil, maayos po kami. Wala kayong dapat ikabahala.’ Sana may ganu’n, kahit wala pang litrato kung ayaw nilang magpakita talaga kung ano ang kundisyon ng kanilang pangangatawan ngayon,”dagdag pa ng actress

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form