Matapos makalabas sa ospital, Gardo Versoza agad na nagsimba kahit naka-wheelchair

Kahit naka-wheelchair ay hindi hadlang para kay Gardo Versoza na pumunta sa simbahan para manalangin.

Matapos makalabas sa ospital, Gardo Versoza agad na nagsimba kahit naka-wheelchair

Si Gardo Versoza na may tunay na pangalan na Mennen Torres Polintan ay isang kilalang actor na naging parte sa halos 40 na mga pelikula at dose-dosenang television shows dito sa Pilipinas. Kilala rin si Gardo sa tawah na "Cupcake" na ibinigay ng kanyang bestfriend na si Aiai Delas Alas.

Nitong lamang nakaraan ay naging usap-usapan si Gardo Versoza matapos itong na-ospital at dinala sa ICU matapos siyang ma-heart attack. Sa latest post ng kanyang asawang si Ivy Vecencio, ay nagbigay ito ng update sa kalagayan ngayon ni Gardo.

Base sa bagong update ng kanyang asawa ay nakalabas na si Gardo sa ospital peru pagkalipas ng dalawang buwan ay kailangan parin ni Gardo na sumailalim ng andioplasty para sa kanyang sakit sa puso.

Kahit naka-wheelchair ay nagpunta ng simbahan si Gardo para magsimba matapos itong makalabas sa ospital.

“Maraming Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng nag dasal at nag alala kay Gardo "Cupcake" Versoza .. sa sobrang dami nyo po hindi ko na masagot ang mga private message ninyo .. mga comment at tawag. Pasensya na po."sabi ng asawa ni Gardo 

”Medyo ok na po sya at pinayagan na muna ng mga doctors nya na maka uwi. After 2 months mag undergo po sya ulit ng isa pang Angioplasty. Hindi naisabay nung una dahil may Heart Attack na nangyayari. Again .. taos pusong pasasalamat po sainyong lahat,” dagdag pa niya sa kanyang post 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form