Valentine Rosales usap-usapan matapos sabihing hindi siya nagagandahan kay Belle Mariano

Usap-usapan ngayon sa social media ang social media personality na si Valentine Rosales matapos nitong sabihin na hindi siya nagagandahan kay Belle Mariano.

Valentine Rosales usap-usapan matapos sabihing hindi siya nagagandahan kay Belle Mariano

Sa kanya kasing tweet nito lamang April 8, ay matapang na inilahad ni Rosales na umanoy hindi niya bet ang ganda ng kapamilya star na si Belle Mariano. Si Belle ay kilala ngayon sa tambalan nila ng kapamilya star na si Donny Pangilinan. Ang kanilang loveteam ay kilala sa tawag na "DonBelle". 

"Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh" sabi ni Rosales sa kanyang tweet 

Ayon pa kay Rosales mas bet raw niya ang ganda ng actress na si Francine Diaz na kilala ngayon sa kaloveteam niyang si Seth Fedeline sa seryeng "Dirty Linen".

"sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine..," sabi ni Rosales 

Hindi naman ito pinalampas ng mga "DonBelle fans at agad na binanatan si Rosales. Sey ng mga "DonBelle" fans.

"Pag walang ganda di valid ang opinion ha…”

“Ikaw nga maputi ka lang pero pang1t ka HAHAHA.”

“Baka pag nakita mo sa personal umiyak ka haha.”

“Oo ikaw lang…”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Belle Mariano kaugnay sa pahayag ni Rosales.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form