Ogie Diaz ibinunyag na magre-resign umano ang head ng ABSCBN kung babalik si Willie Revillame

Ibinunyag ni Ogie Diaz na isa umanong head nang ABSCBN ang magre-resign kung sakaling babalik si Willie Revillame sa Kapamilya Network.

Ogie Diaz ibinunyag na magre-resign umano ang head ng ABSCBN kung babalik si Willie Revillame 


Matatandaan kasi na naging usap-usapan kamailan ang pangalan ni Willie Revillame  kaugnay sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS2 at ALLTV. At kamakailan lang ay naging usap-usapan ang tuluyan nang pagre-resign nito sa nasabing network. 

Kaya naman sa "Showbiz Update Vlog" ni Ogie Diaz ay isa sa kanilang napag-usapan ang tungkol sa umanoy posibilidad na pwedeng gawin ni Revillame.

Isa sa naisip ni Mrena, kasamahan ni Ogie sa kanyang show na umanoy babalik ito sa GMA. 

"Naku kung ganoon lang kadali Mrena, why not 'di ba? Kaya lang siyempre, dati hinabol pa siya ng GMA pero umayaw na siya kasi nga malaki ang offer ni Manny Villar. So, "I don't think hahabulin siya ngayon ng GMA 7," sabi ni Ogie 

Gayundin sa ABS-CBN na sakaling maisip ni Willie na bumalik, isang head ng ABSCBN ang magre-resign raw sa kanyang position.

"Ang ABS-CBN naman ang alam ko, eto'y ano lang naman sa akin once makabalik ng ABS-CBN si Willie Revillame, isang tao mula sa top management ang magre-resign. Ang nakarating sa akin, pinasakit ang ulo non ni Willie. Hindi ko lang alam ah, kung sino 'yung tao na 'yun," komento ni Ogie Diaz 

Pwede mong panoorin ang kabuuang video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form