Actor-Director Ricky Rivero kasalukuyang naka-confine sa ospital matapos itong mastroke ilang araw na ang nakaraan


Kasalukuyan ngayong naka-confine sa ospital ang actor at direktor na si Ricky Rivero matapos itong mastroke.

Actor-Director Ricky Rivero kasalukuyang naka-confine sa ospital matapos itong mastroke ilang araw na ang nakaraan


Base sa artikulo ng Push Isinugod sa ospital si Rivero matapos itong mastroke ilang araw na ang nakaraan at kasalukuyang naka-confine ngayon sa Philippine Heart Center sa Room 309 (Petal 3A). 

Pagkahilo at parang umiikot umano ang naramdaman ni Rivero kaya agad umano siyang nagpatawag ng ambulansya para madala sa emergency room sa ospital.

(ads)

Ayon sa kapatid ni Rivero bumuti na raw ang kalagayan ngayon ng actor.

Larawan mula sa PUSH


"Hi po, okey naman na po ang condition niya. Pinata-type po [niya] sa akin ngayon na gusto niyang mag-thank you sa lahat ng tumulong sa kanya and nag-pray para sa recovery niya. Update na lang po namin kayo ulit" sabi ng kanyang kapatid 

Dalawang linggo pang mananatili si Rivero sa Philippine Heart Center dahil sa kanyang health condition ayon sa kanyang doktor.
Medyo partially paralyzed daw kasi ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan at hindi ito gaanong nagre-respond. 

Unang nastroke si Rivero taong 2015 at sa awa ng Panginoon at naka-recover naman ito.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form