Video ni Angeline Quinto na tila napadaan lang sa ASAP viral


Mabilis na nagviral sa social media ang video ni Angeline Quinto na kung saan tila napadaan lang ang singer sa ASAP. 

Video ni Angeline Quinto na tila napadaan lang sa ASAP viral 


Si Angeline Quinto na kilala bilang isang batikang mang-aawit, recording artist, at aktres ay ipinanganak noong Nobyembre 26, 1989 sa Sampaloc, Maynila, at lumaki sa isang simpleng pamilya. Bata palang ang actress ay nakahiligan na niya ang pagkanta.


(ads)


Taong 2011 ay dumating ang tunay na swerte ni Angeline matapos siyang mapili bilang isa sa finalist ng "Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar," isang talent competition ng ABSCBN. Dahil sa kanyang galing sa pag-awit ay nanalo si Angeline sa naturang patimpalak na siyang naging daan para sa malaking oportunidad para maging isang artist.


Taong 2011 ay nagkaroon ng kanyang sariling album si Angeline. Ilan sa kanyang mga hit songs ay ang "Patuloy ang Pangarap," "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin," at ang theme song ng teleseryeng "E-Boy" na pinamagatang "Hanggang."


Hindi lamang sa musika nagpakita ng galing si Angeline Quinto, kundi pati na rin sa pag-arte. Ilan sa mga pelikulang kanyang pinagbibidahan ay ang "Born to Love You" noong 2012 at "That Thing Called Tadhana" noong 2014.


Samantala sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, ay makikita si Angeline na naglalakad sa stage na kung saan nagpe-perform si Jed Madela. Ang naturang video clip ay ibinahagi ng twitter user na " @momshiedevine". 


(ads)


Medyo natatawa raw ang naturang uploader dahil kahit champions ay nagkamali rin umano: "NAKAKATAWA! Proof na kahit champions nagkakamali whahaha naloka ako kay Angeline Quinto sabi niya ay teh tapos na pala exit na ako. Si Jed Madela naman hindi sumunod sa sabi ni Klarisse na sa Pangarap Mo nalang sila kakanta nakakaloka whahhahaa,” caption ng netizen na nagpost ng video 


Pwede mong panoorin dito ang video:


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form