Coco Martin at Julia Montes kinumpirma nang 12 years na silang magkarelasyon

Kinumpirma narin sa wakas nina Coco Martin at Julia Montes sa unang pagkakataon na 12 years na silang magkarelasyon.

Coco Martin at Julia Montes kinumpirma nang 12 years na silang magkarelasyon 


Sa interview ni MJ Felipe na ipinalabas ngayong gabi May 23, 2023 sa TV Patrol, ibinulgar nina Coco Martin at Julia Montes sa unang pagkakataon na 12 years na silang magkarelasyon. 


(ads)


Ayon kay Coco, sobrang sarap raw sa pakiramdam na kahit 12 years na sila ay same parin ang kanilang nararamdam sa isat-isa.


"Napakasarap sa pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin gaya ng dati. Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami. Kapag may pagkakataon, nakakalabas kami. Pero nami-maintain namin 'yung privacy sa buhay namin."sabi ni Coco


Ayon naman kay Julia lahat ng kanilang narating ay centro lagi ang Panginoon. 


"Kung ano po 'yung posisyon o narating namin ngayon, super blessed lang talaga kami. And never nawala si God sa center naming dalawa. So lahat ng nangyayaring good stuff, si God 'yon."sabi ni niya 


Matagal nang napapabalitang may namamagitan sa dalawa matapos silang mamamataang magkasama nang ilang beses sa iba't-ibang lugar. Gayunpaman, walang diretsahang pag-amin mula sa kanila tungkol dito. Ayon pa kay Coco, kung ano sa tingin ng tao ang meron sila ay iyon na yun. 



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form