Jolina sa mga titig ni Piolo: ""Bakit pag tumitig na sya...napakarupok ko?"

 

Di mapigilang kiligin ni Jolina Magdangal sa mga titig ni Piolo Pascual.

Jolina sa mga titig ni Piolo: ""Bakit pag tumitig na sya...napakarupok ko?"

Sa kanyang instagram account, ibinahagi ni Jolina Magdangal ang isang video na kung saan labis siyang kinilig sa mga titig ni Piolo Pascual.


(ads)


Sa ibinahagi niyang video ay makikita na nagkatitigan muna sila. Ngunit sa huli ay hindi makatagal nang titig si Jolina kay Piolo. 


Kaya siya ay nagtataka kung bakit hindi siya makatagal ng titig kay Piolo kahit matagal na raw silang magkaibigan. 


"Ang tagal ko na kaibigan tong tao na to pero bakit pag tumitig na sya… NAPAKARUPOK ko!!!!!???!!" sabi ni Jolina 


Marami namang netizens ang nagreact at sabi nila kung sila raw ang nasa position ni Jolina ay baka raw bumagsak na sila sa sahig.


"Kung ako yan nasa sahig nako ssobshie hahahaha"


"Pele, Vika, meet new daddy charot lang po! sino ba di matutunaw Papa P na yan "




Si Jolina ay ipinanganak noong Setyembre 6, 1978, at nagsimulang makilala sa larangan ng musika. Noong siya ay 16 taong gulang pa lamang, naglabas siya ng kanyang debut album na may pamagat na "A Wish Comes True." Mula rito, walang humpay na sumunod ang kanyang mga hit na kanta tulad ng "Chuva Choo Choo," "Kapag Ako Ay Nagmahal," at "Laging Tapat."


Ngunit hindi lamang ang musika ang pinagtuonan ni Jolina ng kanyang husay at talento. Nagsimula rin siya sa mundo ng pag-arte at nagpakita ng kanyang galing sa iba't ibang pelikula. Naging bahagi siya ng maraming box-office hits tulad ng "Labs Kita... Okey Ka Lang?" at "Hey Babe!" Naipakita ni Jolina ang kanyang kakayahan sa komedya at drama, nagpapatunay na hindi lamang siya isang magaling na mang-aawit, kundi isang buo at bihasang artista rin.


Sa kasalukuyan ay isa si Jolina sa host ng Maganda Buhay na ipinapalabas sa ABSCBN.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form