Kiray Celis proud sa kanyang ina na umanoy "mukhang pera"


KIRAY CELIS - Proud diumano si Kiray Celes sa kanyang ina na umanoy mukhang pera.

Kiray Celes proud sa kanyang ina na umanoy "mukhang pera"


Nito lamang April 2023,ay naging usap-usapan si Kiray Celis matapos niyang sorpresahin ang kanyang ina sa birthday nito. Sa video na ipinost niya sa kanyang youtube channel, ay binigyan niya ng 1milyon cash ang kanyang ina. 


(ads)


Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay nagbigay siya ng reaksyon kaugnay sa mga nagsasabing para sa content lang daw ang pera na ibinigay ni Kiray sa kanyang ina. Kaya nagbigay ng mensahe si Ogie kay Kiray na huwag magpapaapekto sa sinasabi ng mga basher.


"Hayaan mo sila Kiray kung anong gusto nilang isipin. Ang importante, wala silang 1M ikaw meron,” sabi ni Ogie 


Samantala, nito lamang May 26, 2023 sa interview ni Boy Abunda kay Kiray sa "Fast Talk With Boy Abunda" ay prangkang sinabi ni Kiray na "Mukhang pera ang lahat ng mga nanay." 


Ngunit paliwanag ni Kiray ang kanyang nanay ay "Mukhang Pera" umano in a good way. Kwento niya, bago niya bigyan ng pera ang kanyang ina ay strikto umano ito sa relasyon nila ng kanyang boyfriend. 


"Bago ko bigyan ng one million [pesos] ang mama ko, ‘Bawal kayong maglabas, ha? Kayong dalawa, bawal" sabi ni Kiray  "Nung nabigyan ko ng one million, sabi niya, ‘Kailan kayo magpapakasal?’"


“Ganoon! Iba ang nagagawa ng pera! Mukhang pera talaga ang mama ko. Proud ako, mukhang pera ang mama ko. Seryoso yan."dagdag pa ni Kiray 


"Ang mga nanay, mga mukhang pera kasi may explain [explanation] naman yan.Sila ang nagpo-provide para sa buong pamilya. Sila ang nagha-handle ng pagkain. Kung nangungupahan, upa. Ganoon ko ina-idolize ang mama ko pagdating sa pera kasi kaya niyang dalhin ang buong pamilya." 


(ads)


Sumang-ayon naman si Kiray sa sinabi ni Tito Boy na: “Medyo masakit pakinggan yung mukhang pera. Mahalaga ang pera para sa mga nanay because they take care of the home.” 


Sabi ulit ni Kiray: “Yung mama ko talagang mukhang pera, in a good way naman.”

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form