Makagwapo kay Xander Ford: "Hindi ko responsibilidad 'yang anak mo, responsibilidad mo 'yan"



Sinagot na rin sa wakas ni Makagwapo o Christian Merck Grey sa totoong buhay ang mga sinabi ni Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay.


Makagwapo kay Xander Ford: "Hindi ko responsibilidad 'yang anak mo, responsibilidad mo 'yan"


Matatandaan kasi na sinabi ni Marlou sa kanyang post online ang tungkol sa umanoy ipinangako ni Makagwapo na sasagutin raw nito ang gastos sa binyag ng kanyang anak.


(ads)


"Merck ganto nalang bayaran mo nalang yung 349k na ipinangako mo sa amin kasi yun lang naman yung gusto ko ipag paban dito edi sana hindi nalang muna kami nag pabinyag kung alam ko lang na hindi mo tutuparin yan," sabi ni Xander 


Kaya sa kanyang video post ay itinanggi ni Makagwapo na sasagutin  niya ang  gastos sa binyag ng anak ni Xander. Hindi rin daw niya ito babayaran dahil aniya hindi niya responsibilidad ang anak ni Xander.


"Yung binyag sa anak ni Marlou, wala talaga akong ipinangako doon...Hindi ko responsibilidad 'yang anak mo, responsibilidad mo 'yan," giit ni Makagwapo.


Ayon pa kay Makagwapo hindi rin daw siya kinuha na maging ninong sa anak ni Xander.


"Bukod sa hindi mo na nga ako kinuhang ninong, hindi mo pa ako inimbita. Ngayon, may utang pa ako sa 'yo na 349,000?" tanong nito.


Ipinaalala rin ni Makagwapo kay Xander na hindi gatasan ang mga ninong at ninang.


"Ang ninong, sila magga-guide sa paglaki ng anak mo, hindi sila 'yung aasahan mong sumagot ng pabinyag ng anak mo," aniya.


"Kaya ka kumuha dapat ng ninong para gabayan 'yung anak mo, hindi para sa pera," dagdag pa ni Makagwapo.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form