Parinig ni Ogie Diaz sa isang host usap-usapan ngayon sa social media


Usap-usapan ngayon sa social media ang parinig ni Ogie Diaz sa isang host na di na niya pinangalanan.



Parinig ni Ogie Diaz sa isang host usap-usapan ngayon sa social media


Si Ogie Diaz ay isang kilalang personalidad sa industriya ng pag-aartista sa Pilipinas. Siya ay isang komedyante, aktor, talent manager, radio host, at isang social media influencer. Siya ay ipinanganak noong Pebrero 4, 1970, sa Davao City, Pilipinas. 


(ads)


Bago nakilala bilang isang artista, si Ogie Diaz ay nagtrabaho bilang isang talent manager. Siya lang ang dating manager ng mga sikat na personalidad sa showbiz na sina Vice Ganda at Liza Soberano. Bilang isang talent manager, siya ang nag-aasikaso sa mga kasunduan, endorsement, at iba pang aspeto sa kanyang nga alaga.


Naging aktibo rin si Ogie tungkol social media. Sa pamamagitan ng social media, siya ay nagbahagi ng kanyang mga opinyon at pananaw sa mga isyung panlipunan at pampolitika. Gaya na lamang ng kanyang showbiz news update channel sa youtube.


Sa kanyang Facebook stories kamakailan, ay nagbahagi si Ogie ng tila parinig sa isang host na di umanoy masyadong umaasa sa teleprompter.


Hindi na pinangalanan ito ni Ogie ngunit palaisipan ngayon sa maraming netizens kung sinong host ang tinutukoy ng komedyante.


"'Wag kang masyadong dependent sa teleprompter. Dapat, alam mo at na-research mo ang subject mo o 'yung isyung pinag-uusapan."sabi ni Ogie 


"Ikaw ang captain of the ship, ikaw ang inaasahang magdadala ng show, ikaw ang aakay sa guests, ikaw ang hihimay ng mga isyung pinag-uusapan hanggang sa maitawid mo hanggang dulo."dagdag pa niya


May idea kaba kung sino itong pinapatamaan ni Ogie Diaz?

Larawan mula sa Facebook Stories ni Ogie Diaz


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form