Ogie Diaz nagreact sa patama post ni Xander Ford: "Ako ba pinariringgan mo Xander Ford?”


Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz sa 'patama post ni Xander Ford na kung saan naglabas siya ng saloobin sa taong hindi umano sumipot sa binyag ng kanyang anak.


Ogie Diaz nagreact sa patama post ni Xander Ford: "Ako ba pinariringgan mo Xander Ford?”


Si Ogie Diaz ay isang kilalang personalidad sa industriya ng pag-aartista sa Pilipinas. Siya ay isang komedyante, aktor, talent manager, radio host, at isang social media influencer. Siya ay ipinanganak noong Pebrero 4, 1970, sa Davao City, Pilipinas. 


(ads)


Bago nakilala bilang isang artista, si Ogie Diaz ay nagtrabaho bilang isang talent manager. Siya lang ang dating manager ng mga sikat na personalidad sa showbiz na  sina Vice Ganda at Liza Soberano. Bilang isang talent manager, siya ang nag-aasikaso sa mga kasunduan, endorsement, at iba pang aspeto sa kanyang nga alaga.


Naging aktibo rin si Ogie  tungkol social media. Sa pamamagitan ng social media, siya ay nagbahagi ng kanyang mga opinyon at pananaw sa mga isyung panlipunan at pampolitika. Gaya na lamang ng kanyang  showbiz news update channel sa youtube. 


Sa naturang channel, ay isa sa naging topic nila ang tungkol sa tila 'patama' post ni Xander Ford tungkol sa umanoy taong hindi sumipot sa binyag ng kanyang anak. 


(ads)


Ayon kasi sa sinabi ni Xander, “Ngayon ‘yung binyag ng anak ko. Ang lungkot kasi ‘yung mga taong inaasahan ko na pupunta, sila ‘yung wala. Kahit ‘yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat.” 


Kinumpirma ni Ogie na isa siya sa kinikuhang ninong ni Xander. "Kaya nagbiro si Ogie at tinanong niya si Xander?" 


 “Pasensya na Xander kung ako man itong pinariringgan mo, pasensya na. Pero hindi ako nag-promise kay Xander na makakarating kasi nga yun nga yung conflict doon.”dagdag pa ni Ogie 


Paliwanag pa ni Ogie: "Pero I told Xander na yes, ako ang ninong ng anak mo 'nung kausap ko siya sa one on one interview.Pero sabi ko naman ipadadala ko ang aking regalo. E hiningi ko naman kay Xander 'yung kanyang ano, bank details, alam na. Para sa inaanak ko yun."  


May payo rin si Ogie kay Xander: “Saka Xander alam naman nating may solian ng kandila, ‘wag kang magpapasoli ng kandila lalo na’t ‘di naman tinanggihan ‘yung anak mo na maging sila ‘yung pangalawang magulang,” 


Pwede mong panoorin ang buong video dito:

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form