Coco Martin at Lovi Poe nagsalita na sa viral 'Higop' scene nila sa 'Batang Quiapo'

 

Nagsalita narin sa wakas sina Coco Martin at Lovi Poe sa nagviral na 'Higop' Scene nila ni sa 'Batang Quiapo' 

Coco Martin at Lovi Poe nagsalita na sa viral 'Higop' scene nila sa 'Batang Quiapo'

Sina Coco Martin at Lovi Poe ang mga bida sa teleseryeng 'Batang Quiapo'. Si Lovi ang gumanap bilang si 'Mokang' samantalang si Coco Martin naman ang gumanap bilang si Tanggol.


(ads)


Sa isang episode nang naturang teleserye, ay isa sa naging eksena dun na kinakiligan ng marami ay ang naganap sa debut ni Mokang kung saan nagkaroon sila ng kissing scene ni Tanggol. Sumasayaw ang dalawa sa naturang event at doon nga naganap ang intimate scene. Ngunit isa lang pala itong panaginip ni Mokang.


Sa isang panayam ay nagsalita narin sa wakas sina Lovi at Coco sa naturang eksena. Unang tinanong si Lovi kung nakaramdam ba umano siya ng kilig sa naturang 'higop scene'. 


"Inaasar nga ako ni Tatay (Pen Medina) na ‘Ang landi-landi mo!’” Sinundan ito ng malakas ng tawanan ng lahat ng nasa presscon kabilang na si Coco,”  sabi ni Lovi 


"Hindi maiiwasan, eh, kasi kapag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek at the same time, habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene kami, makikita mo after nu’n, siya pa ‘yung magka-cut, siya pa ‘yung magsasabi kung saan (ang anggulo), so mahirap na hindi kiligin talaga," dagdag pa niya 


Nang si Coco naman ang tanungin ay sinabi niya na: "Sabi ko, maganda ‘to, after ng pagkauwi niya, napanaginipan niya pa. Kumbaga, may follow-up. Kasi wala namang nangyari nu’ng debut, kinilig lang siya na na-appreciate niyang may pumalit du’n sa escort niya, eh,”  


Kwento pa ni Coco smack lang daw sana iyon ngunit nang naramdaman daw nila ang music ay itinuloy na daw nila ito.


Panoorin dito:

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form