Patutsada ng ama ni Liza Soberano kasunod ng rebelasyon ni Ogie na umanoy hiwalay na sina Liza at Enrique Gil usap-usapan


Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng ama ni Liza Soberano kasunod ng rebelasyon ni Ogie Diaz na umanoy hiwalay na ang actress sa boyfriend nitong si Enrique Gil.

Cryptic post ng ama ni Liza Soberano kasunod ng rebelasyon ni Ogie na umanoy hiwalay na sina Liza at Enrique Gil usap-usapan 


Sa Showbiz Update Vlog kasi ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube Channel ay ibinunyag niya na umanoy hiwalay na sina Liza at Enrique. Ito ay matapos umanong magdesisyon si Liza na subukin ang kanyang kapalaran sa Hollywood.


(ads)


"Sana kung meron mang hindi pagkakaunawaan, ma-patch up nila. Sayang, ilang taon din sila, 8 years. Sayang!" sey ni Ogie


"Nakakalungkot ito dahil ako 'yung tipong tingin ko sa kanila noong ako pa ang manager ni Liza, ang ganda ng relasyon nila," dagdag niya. 


Matapos magviral ang naturang pahayag ni Ogie ay nagpost ang ama ni Liza Soberano base sa ibinahaging screenshot ng Kapamilya Online World.


Sa nasabing post ay nagpatutsada ang ama ni Liza na si John C. Sober at tinawag niyang uto-uto ang ilang netizens na madali lang umanong maniwala sa mga nagba-vlog kahit wala namang hard fatcs.


"Kaya dumadami taong nag vavlog dami mga oto oto maski Wala Naman hard facts pinapatulan," ani John C. Sober sa Facebook.


Larawan Screen mula sa Instagram kowalerts


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form