Rendon Labador nagpublic apology na kina Coco Martin, Michael V at iba pa na kanyang binanatan


Humingi na ng tawag si Rendon Labador kina Coco Martin, Michael V at iba pang mga personalidad na kanyang binanatan sa social media.

Rendon Labador nagpublic apology na kina Coco Martin, Michael V at iba pa na kanyang binanatan


Matatandaan na nito lamang nakaraan ay mainit na binanatan ni Rendon si Coc Martin kaugnay sa shooting nito sa "Batang Quiapo". Istorbo raw kasi sila sa mga Vendor sa Quiapo. 


(ads)

Tinawag rin ni Rendon na "Laos" si Michael V bilang reaksyon niya sa post ng komedyante tungkol sa umanoy quality content ng mga content creators na pinost sa social media.


Nito lamang May 25, ay nagpost si Rendon Labador ng public apoloy sa mga taong kanyang nasaktan matapos niyang makaharap si Ben Tulfo ng Bitag.


“Gusto ko pong humingi ng apology, gusto ko pong humingi ng pasensya sa lahat po ng Pilipinong nasaktan at naging emotional sa mga nangyayari sa social media,” sabi niya


Ngunit aniya hindi raw niya maipangako na hindi niya ulit masasaktan ang mga ito.


“Hindi ko po ma-a-assure kay Michael V, kay Coco Martin at sa lahat mga celebrity or atletang nadadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet. Hindi ko po ma-a-assure na hindi ko po kayo masasaktan ulit,” sabi niya 


“Pasensya na for being too straightforward,” he added. “Ganun talaga ako pinalaki ng aking mga magulang.”dagdag pa niya



“Straight talaga ako magsalita. Hindi ko kayo bobolahin. Sasabihin ko sa inyo ang totoo. Yun yung mga standard ko sa buhay na hindi ko kayang baguhin para sa inyo" sabi pa ni Rendon 


Aniya pa nandito lang daw siya para mag-motivate 


“I’m just here to help. I’m just here to motivate you. Yung pure motivation gusto kong ibigay sa inyo,” sey niya


“Maraming, maraming salamat sa mga nakaintindi. Sa mga hindi nakakaintindi, huwag kayong mag-alala, hindi ako titigil hangga’t hindi kayo mag-improve. Hangga’t hindi kayo lumakas,” sabi pa ni Rendon


Sa ngayon ay wala pang pahayag ukol dito sina Michael V at Coco Martin.


Pwede mong panoorin ang kanyang buong pahayag dito:


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form