Joshua Garcia tapat na inaming gusto niyang makatrabahong muli si Julia Barretto


Tapat na inamin ni Joshua Garcia na bet niyang muling makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si Julia Barretto.

Joshua Garcia tapat na inaming gusto niyang makatrabahong muli si Julia Barretto 

Kamakailan lang ay naging guest si Joshua Garcia sa entertainment talk show ng Kapuso Network na Fast Talk with Boy Abunda. Ang kanyang guesting ay para sa promotion ng kanyang teleserye na "Unbreak My Heart" na kung saan kasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap.


(ads)


Ang nasabing teleserye ay ang unang collaboration sa pagitan ng magkatapat na network, ang GMA-7 at ABSCBN kasama rin ang Viu. Hindi lang tungkol sa "Unbreak My Heart" ang kanilang pinag-uusapan, nagpag-usapan rin nila ang tungkol sa ex ni Joshua na si Julia Barretto.


Kwento ni Joshua okay raw ang relasyon nila ni Julia, aniya pa gusto rin daw niya na si Julia ang kanyang kapareha sa project na ibinagay sa kanya. 


“Sabi ko sa mga bossing namin, kasi parang okay, secret lang natin ito, may project na hinahain sa akin and they can’t find a partner for me.”sabi ni Joshua


"And then, unang pumasok sa isip ko na bagay dun sa karakter si Julia. Pero yung usapan, hindi ko alam kung anong nangyayari, pero sana, payagan ng management si Julia,” dagdag pa niya 


Pwede mong panoorin dito ang video na ipinost ng GMA sa kanilang youtube channel:

 
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form