Ria Atayde may prangkang sagot sa mga bumabatikos sa kanya: "Go ahead. Call me fat"


May prangkang banat si Ria Atayde sa mga basher na kung saan pinipintasan ang kanyang pangangatawan.

Ria Atayde may prangkang sagot sa mga bumabatikos sa kanya: "Go ahead. Call me fat"

Si Ria Atayde na may tunay na pangalan na Maria Sophia Campo Atayde ay isang kilalang actress dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng beteranang actress na si Sylvia Sanchez at businessman na si Art Atayde. 


Nagsimula ang kanyang professional career sa drama series na Ningning at variety show na It's Showtime. Si Ria din ngayon ang 2023 Calendar Girl ng White Castle Whiskey.


Sa isang panayam ay ibinahagi ni Ria ang totoong dahilan kung bakit hirap raw siyang magbawas ng timbang. 


"I have hypothyroidism. I have no gallbladder. Losing weight is a lot harder for me than it is for other people. So, go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo? I’m sick with stuff I can’t fix. So, sino ka diyan,” sabi ni Ria 


Ayon kay Ria, kailangan raw ay marunong tumanggap sa kung ano ka at huwag magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao.


“It takes a level of embracing yourself and understanding yourself. Kasi kung magpapa-apekto ka, then your whole life will just be affected by the people around you even if at the end of the day, it’s all about you with yourself"sabi ni Ria 

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form