Ogie Diaz di mapigilang magmura dahil sa ginawa ng FAMAS sa batikang actress na si Eva Darren

 

Photo Courtesy:  Fernando de la Pena/Facebook - @ogie_diaz/Instagram

Di mapigilang magmura ng Showbiz Insider na si Ogie Diaz sa umanoy ginawa ng FAMAS sa batikang actress na si Eva Darren sa naganap kamakailan na 72nd FAMAS awards. 

$ads={1}

Kasama kasi sana si Eva sa agpe-present ng award sa naturang event ngunit hindi ito nangyari matapos inisnab ng FAMAS ang batikang actress.

Sa facebook post ni Ogie ay naglabas siya ng saloobin kaugnay sa nangyari. Sabi niya sa kanyang post:

"Sabi ng Famas spokesperson ba yon? Hindi raw ma-locate ang seat ni Ms. Eva Darren, kaya nagkaroon ng last minute replacement sa stage.

$ads={2}

Sorry for my word, put—- ina naman, sa tanda naman ni Ms. Eva, saan naman kaya siya pupunta? Nagte-table hopping ba siya? Nagyosi sa backstage? Nag-jog sa Quirino Grandstand? Namamasyal sa Luneta?

Mga palaka kayo!

Samantalang me nakapasabi sa akin (kayo nang mga taga-riyan ang sumagot kung true), binigyan nyo ng award ang ilang hindi naman karapat-dapat magka-award porke nag-sponsor lang nang malaki. True ba?

Tapos, inabala nyo yung matandang nirerespeto sa industriya para lang mabastos sa Gabi ng Parangal?

Iba talaga ang tinitingnan sa tinititigan."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form