Xander Ford birthday wish na magkabati sila ni Vice Ganda

Tanging wish ni Xander Ford sa kanyang birthday ay magkabati sila ni Vice Ganda.


Xander Ford birthday wish na magkabati sila ni Vice Ganda 

Si Xander Ford na may tunay na pangalan na Marlou Salcedo Arizala ay ipinanganak noong May 11, 1998. Siya ay isang kilalang social media personality. Siya rin ay kilala bilang miyembro ng boy band Hasht5, isang boy band parody na nagviral ang kanilang video noong 2015. 


Matapos iwan ang Hasht5, ay nagpa-plastic surgery siya at dun nabuo ang kanyang pangalan na Xander Ford. Unang isinapubliko ang kanyang itsura sa Rated K noong 2017.


(ads)


Bukas May 11, ang ika 25th birthday ni Xander. Sa kanyang post si instagram stories, ay ibinahagi niya ang kanyang wish sa darating niyang birthday. Isa sa kanyang wish ay ang magkabati sila ni Vice Ganda dahil alam raw niyang galit sa kanya ito. 


Ibinahagi niya ang screenshot ng instagram live ni Vice na kung saan makikita ang kanyang komento na kung saan kinumusta niya ang komedyante: "Meme Vice kamusta po"sabi ni Xander 


Sabay sabi niya sa kanyang caption : “Birthday ko na bukas. Wish ko sa birthday ko, sana magkapag-ayos na kami ni Meme Vice kasi alam ko galit pa rin siya sa akin.”  



Sa hiwalay na stories ay nagbahagi si Xander ng hugot: Birthday ko bukas miski walang tao na bumati sa akin or maalala ako. Ngayon ko lang napagtanto na pag wala kang pera, walang tao ang gugustuhin ka maging kaibigan.”  



Sabi pa niya sa isa niyang post: "Happy birthday self. Kaya natin ito kahit wala nang tao ang gustong kasama tayo. Nakaka-miss lang nung panahon na di pa ako sikat, palagi akong nag-birthday na may kasama kahit hindi garbo.” 



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form