Jed Madela may sagot sa mga basher na nambabash sa tila "napadaan lang" moment ni Angeline Quinto


Sinagot ni Jed Madela ang mga basher na binanatan si Angeline Quinto dahil sa tila "napadaan lang" moment nito kamakailan sa ASAP.

Jed Madela may sagot sa mga basher na nambabash sa tila "napadaan lang" moment ni Angeline Quinto


Matatandaan na nagviral kamakailan ang isang clip na kung saan biglang pumasok kahit hindi pa kanyang turn si Angeline Quinto habang nagpe-perform pa sina Jed Madela at Klarisse de Guzman. 


(ads)


Ngunit tila narealize niya na mali pala siya ng pasok habang nasa gitna na siya ng stage kaya nagmistulang "napadaan lang" ang singer. 



Marami ang natatawa sa naturang eksena. Maging si Jed na isa sa nagperform ay sinasabing nakakatawa raw ang blooper ni Angeline. 


Ngunit hindi talaga maiiwasan na may mga netizens na hirap pasayahin. Gaya na lamang ng mga basher na kahit simpleng mali lang ay todo na ang pangbabash. Kaya sa kanyang twitter ay naglabas ng saloobin si Jed laban sa mga basher.


"tawang tawa lang talaga ako sa bloopers namin sa ASAP kahapon. Ganun talaga guys. Live eh. And nobody’s perfect. Hahahaha Ay meron pala perfect… yung mga nambash. Hahahaha galing nyo eh." sabi ni Jed 



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form