Xander Ford nagsalita na matapos tanungin siya ni Ogie Diaz tungkol sa kanyang "patama" post

 

Nagsalita narin sa wakas si Xander Ford makaraang tanungin siya ni Ogie Diaz kung siya ba ang pinariringan nito sa kanyang post na kung saan naglabas siya ng saloobin sa taong hindi umano sumipot sa binyag ng kanyang anak. 

Xander Ford nagsalita na matapos tanungin siya ni Ogie Diaz tungkol sa kanyang "patama" post 


Sa kanyang post kasi ay sinabi ni Xander na : “Ngayon ‘yung binyag ng anak ko. Ang lungkot kasi ‘yung mga taong inaasahan ko na pupunta, sila ‘yung wala. Kahit ‘yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat.”  


Sa isang vlog ni Ogie ay tinanong niya si Xander na: "Ako ba pinariringgan mo Xander Ford? Pasensya na Xander kung ako man itong pinariringgan mo, pasensya na. Pero hindi ako nag-promise kay Xander na makakarating kasi nga yun nga yung conflict doon." 


(ads)


Paliwanag pa ni Ogie: "Pero I told Xander na yes, ako ang ninong ng anak mo 'nung kausap ko siya sa one on one interview.Pero sabi ko naman ipadadala ko ang aking regalo. E hiningi ko naman kay Xander 'yung kanyang ano, bank details, alam na. Para sa inaanak ko yun."   


Samantala sa kanyang post ay nagsalita na si Xander, ibinahagi niya ang screenshot ng convo nila ni Ogie. Aniya hindi raw si Ogie ang tinutukoy niya sa kanyang post.


"AYAN NA HA MALINAW NA KAY MAMA OGIE DIAZ" sabi niya 


"nilinaw ko lang po na hindi si Mama Ogie ang tinutukoy ko kasi maaga palang eh nagsabi naman sya sa sa amin at nauunawaan naman namin" dagdag pa niya 

đŸ“·: Xan Der Arizala Facebook 


AYAN NA HA MALINAW NA KAY MAMA OGIE DIAZ

Posted by Xan Der Arizala on Monday, 8 May 2023

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form