Ion Perez nagreact sa labandera couture ni Vice Ganda: "Yung labahin bebeko naka tengga"


Napareact si Ion Perez sa suot ng misis niyang si Vice Ganda na tila naka-labandera couture.


Ion Perez nagreact sa labandera couture ni Vice Ganda: "Yung labahin bebeko naka tengga" [đŸ“·:praybeytbenjamin Instagram]


Sina Ion Perez at Vice Ganda ay matagal ng magkarelasyon. Noong October 26, 2019 ay kinumpirma ni Vice na boyfriend na niya si Ion. Unang nagkakilala ang dalawa taong 2018 nang manood si Ion sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice! (GGV). 


Noong october 19, 2021 naman ay ikinasal sina Vice at Ion matapos ang dalawang taon nila bilang magkasintahan. Sa Las Vegas naganap ang kasal nang dalawa. 


(ads) 

Samantala sa social media post ng komedyante, ay ipinost niya ang kanyang labandera couture. Nakasuot si Vice ng gown na gawa sa kumot, headpiece na tuwalya at hand accessory na termos.


Sabi pa niya sa kanyang post: ", "Kumot. Tuwalya. Thermos. Pinoy."

 

Sa comment section ay makikita ang komento ni Ion na tila hinaharot niya ang kanyang misis. Sabi niya Ion: "Yung labahin bebeko naka tengga at yung themos magkakape ako."


Sinakyan naman ni Vice ang panghaharot ng kanyang mistir. Sabi ni Vice: "[T]inapon ko na yung mga brip mong butas. Wala na tayong kape. Pati gatas ng mga bata ubos na din. Mangutang ka na sa tindahan ni Aling Tasing."


Sagot naman ni Ion: "[B]at mo tinapon babe? Swerte yon [emoji] puno na ang listahan natin babe dina ako makaka utang! Hahaha," 


đŸ“· praybeytbenjamin instagram


đŸ“· praybeytbenjamin instagram


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form