Its Showtime host di mapigilang maging emosyonal sa huling araw ng pag-ere nila sa TV5


Talagang di mapigilang maging emosyonal ng mga host ng Its Showtime sa huling araw ng pag-ere nila sa TV5.

Its Showtime host di mapigilang maging emosyonal sa huling araw ng pag-ere nila sa TV5

Ngayong araw, June 30 ang huling episode ng Its Showtime sa TV5 dahil simula bukas ay sa GTV na sila mapapanood matapos tanggihan nila ang alok ng TV5 na ilipat sa sa 4:30 na timeslot.


(ads)


Sa nasabing episode ay naglabas ng emosyonal na mensahe si Vice Ganda sa TV5. Sabi niya: 


“Sa araw po na ito ay isang kabanata ng 'It's Showtime' ang nagwawakas. Alam niyo naman ang 'Showtime' ay parang isang mahabang kwento. Para siyang isang libro na araw-araw, tuwing umeere kami ay saka pa lang namin isinusulat ang laman ng libro na 'yan.


"So oras po na ito, sa araw na ito ay isang kabanata ng libro na 'yon ang nagtatapos. 'Yung kabanata ng pagiging bahagi namin ng Kapatid network, TV5. Ito na po ang huling pagkakataon na mapapanood niyo kami sa TV5 kaya naman po gusto naming magpasalamat sa pamunuan ng TV5, sa inyong tahanan, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon, ng oportunidad na makagamit po ng inyong bahay. Sa pagkupkop sa amin kahit hindi naman masyadong matagal, panandalian ay napakalaking tulong po nu'n sa amin.”  


Pinapasalamatan din ni Vice ang madlang people na walang sawang sumusuporta sa kanila.


“Maraming maraming salamat, Madlang Pipol, dahil kahit saan man kami mapunta, anuman ang pangyayari sa Showtime, anuman ang kinahihinatnan ng Showtime, anuman ang pinagdadaanan at kinakaharap ng Showtime, ilang beses niyong pinatunayan sa amin na kayo ang bumubuhay sa amin sa ilang beses naming paghihingalo.” 


Kaya naman talagang di mapigilan ng mga co-host ni Vice at ang mga staff member na nanatili parin sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan. 


Pwede mong panoorin ang emosyonal na sinabi ni Vice sa tatak na 2:57:30 sa videong ito: 


 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form