Riva Quenery naglabas ng saloobin sa pagka-aresto ni Aura Briguela matapos umano nitong ipagtanggol ang mga kaibigan


Naglabas ng saloobin ang actress na si Riva Quenery sa pagka-aresto ng kaibigan niyang si Aura Briguela matapos umano nitong ipagtanggol ang kanyang mga kaibigan.

Riva Quenery naglabas ng saloobin sa pagka-aresto ni Aura Briguela matapos umano nitong ipagtanggol ang mga kaibigan 


Ayon kay Riva, pinuntahan umano niya agad si Aura sa Police Station kung saan naka-detain ang komedyante. Ikinuwento umano ni Aura na ipinagtanggol lang daw ang kanyang mga kaibigan laban sa mga nangharass sa mga ito. 


(ads)


Ibinunyag din ni Riva na nahaharap si Aura ngayon sa mga reklamong assault on a police officer, disobedience, and resisting arrest. 


Sabi ni Riva sa kanyang post sa instagram:


"So many people are messaging me about what happened. I'm not the type of person who always gives statements through social media, but I won't let this pass. I really felt sad sa nangyari sa napakaloyal kong kaibigan na si Awra. Kaninang umaga, tumawag siya at nalaman kong inaresto siya sa Makati dahil sa isang kaguluhan na nangyari. Dinalaw ko siya sa police station sa Makati kung saan siya na-detain at biglang bumagsak ang balikat ko nung nakita ko siya. 


"Kinwento nya sakin ang sinapit nya matapos nyang ipagtanggol ang kaibigan nya laban sa grupo ng mga lalaking hinipuan ang kanyang kaibigan. Nauwi sa mainit na pagtatalo yung mga sumunod na nangyari na kung saan sinuntok sya ng nasabing lalaki. Nasundan na ng away sa magkabilang grupo hanggang sa dumating na yung mga pulis. 


"Isang malaking katanungan lang yung nasa isip ko at ng maraming tao na kung BAKIT SI AWRA LANG ANG PINOSAS-AN AT INARESTO? Nasaan yung mga ibang lalaking na involve sa away? The worst part is, multiple charges have been filed against Awra. Tulad daw ng assault sa pulis, disobedience at resisting arrest. Paano naman magagawa lahat ni Awra yan eh kitang kita naman sa video na hawak na sya ng dalawang naglalakihang bouncer at pinoposasan pa ng pulis. Nangangatwiran lang naman yung kaibigan ko pero sigurado ako hindi mananakit yun ng otoridad. Nakita ko pa kanina na ang dami nyang pasa sa likod, at may malaking bukol pa sa ulo. Hindi man lang siya sinuri or pinagamot ng maayos.


"Saludo ako kay Awra at kilala ko sya bilang kaibigan na kaya ka nyang ipaglaban. Pero bakit kung sino pa ang ang nasa katwiran, sya pa ang ikukulong?


"BAKIT? GUSTO NYO BANG GAWING TROPHY SI AWRA? Laliman nyo naman ang imbestigasyon nyo hindi yung alam nyo nang mali, pinaninindigan nyo pa. So nasaan na yung mga nanghipo sa mga kaibigan ni Awra? Nasaan na yung sumapak sa kanila na kahit may pulis na dumating eh hindi nagsitigil at kay Awra lang lahat naka focus. ACHIEVEMENT BA PARA SAINYO DAHIL SI AWRA ANG NAHULI NYO? #JusticeForAwra"



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form