Netizens sa bagong host ng Eat Bulaga na si Paolo: "Magbibigay ng papremyo, pero hindi ng sustento?"


Nagviral ang post ng isang netizen tungkol sa bagong host ng Eat Bulaga na si Paolo Contis.

Screen mula sa Facebook Group na Hampaslupa Buddies 5.0


Matatandaan na ginulat ang maraming netizens nang inanunsyo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang pagkalas nila sa Tape Inc. 


(ads)


Matapos ang kanilang pagkalas ay sumunod rin na nagresign ang ilan pang mga host ng Eat Bulaga na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Allan K. 


Nitong Lunes June 5, ay ipinakilala na ang bagong host ng nasabing noontime show. Kabilang rito sina, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, at ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi. 


Sa initial segment ng kanilang show, ay nagpagive-away sila ng mga cash prizes at smartphone sa mga maswerteng manonood. 
Ngunit inulan ito nang maraming reaksyon gaya na lamang ng host na si Paolo Contis na binanatan ng isang netizen tungkol sa "sustento" isyu.  


Sabi ng nasabing netizen kay Paolo: "Magbibigay ng papremyo, pero hindi ng sustento?" 


Matatandaan kasi na kamakailan lang ay inamin ni Paolo na hindi siya nagbibigay ng sustento sa anak niya kay Lian Paz. 

Screen mula sa Facebook Group na Hampaslupa Buddies 5.0



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form