Payo ni John Regala noon tungkol sa pag-iipon binalikan ng ilang netizens

Muling binalikan ng ilang netizens ang payo noon ng yumaong si John Regala.

Payo ni John Regala noon tungkol sa pag-iipon binalikan ng ilang netizens 


Si John Regala ay isang kilalang action star dito sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang isang matinee idol at produkto ng "That's Entertainment", at naging isa sa mga popular na actions stars noong 1990s hanggang sa maging isa siya sa mga kinakatakutang kontrabida sa industriya.


(ads)


Siya man ay nalulong sa masamang bisyo at naging laman ng kontrobersya, natagpuan ng aktor ang panibagong pag-asa sa buhay nang maging miyembro siya ng Iglesia ni Cristo. 


Nito lamang June 3, ay marami ang nagluluksa matapos kinumpirma ng asawa ni John na pumanaw na ang actor. Cardiac arrest dulot ng liver at kidney complications ang dahilan umano sa pagpanaw ng actor.


Samantala, muli namang nagviral viral ang payo noon ng actor na matatandaang namataam ito noong 2020 sa Pasay na mayroon umano itong iniindang sakit sa diabetes, gout, at liver cirrhosis.


Payo niya noon ay habang bata pa ay dapat marunong umanong mag-ipon.


“Matuto kayong mag-ipon habang bata pa kayo, habang may trabaho pa kayo. Lahat tayo tatanda at lahat tayo magkakasakit. Hindi habambuhay, malakas tayo. At hindi habambuhay, ‘andyan ‘yung taong tinulungan mo noong marami ka pang pera.”


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form