Suzzette Doctolero nagreact sa paglipat ng Its Showtime sa GTV ng GMA Network


Nagreact ang GMA head writer na si Suzzette Doctolero sa paglipat ng Its Showtime sa GTV Channel ng GMA Network.



Ngayong araw kasi June 20, naglabas ng pahayag ang ABSCBN kaugnay sa kanilang paglipat sa GTV. Tinangihan nila ang offer ng TV5 na ilipat ang kanilang timeslot sa 4:30 ng hapon. Kaya hanggang sa June 30 nalang mapapanood ang Showtime sa TV5.


(ads)


Masaya ding inanunsyo ng ABSCBN na simula ngayong July 1 ay mapapanood na sila sa GTV sa alas 12 ng tanghali mula Lunes hanngang Sabado. 


"We are also very grateful to GMA’s GTV Channel and happy to announce that “It’s Showtime” has found another home.Starting 1 July 2023, “It’s Showtime” will also be aired on GTV from Monday to Saturday at 12 noon. G na G na tayo, Madlang People!" sabi ng Its Showtime sa kanilang pahayag


Samantala marami ang natuwa sa bagong movement na ito ng ABSCBN. Isa na rito ang headwriter GMA na si Suzzette Doctolero na kung saan excited na siya sa pag-ere ng Its Showtime sa GTV. 


“Exciting ang noontime ng both GMA at GTV ah! And welcome to GMA, Showtime peeps. See you sa GMA Gala!”sabi ni Suzzette 


Ibinahagi rin ni Suzette na nakatrabaho niya noon ang dalawa sa host ng Its Showtime na sina Anne Curtis at Karylle.


"Nakatrabaho ko si Anne Curtis more than 2 decades ago, ang bata bata pa niya noon! Magkasama kami sa Viva dati. Now balik gma ah. Same with Karylle na orig Alena sa Enca! Bilog talaga ang mundo."sabi ni Suzzette 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form