Tito Sotto nagreact sa rumor na umanoy papalitan ng TVJ ang Its Showtime


Nagreact na si Tito Sotto kaugnay sa rumor na umanoy papalitan ng TVJ ang Kapamilya Noontime show na Its Showtime sa TV5. 

Tito Sotto nagreact sa rumor na umanoy papalitan ng TVJ ang Its Showtime 


Sa kasalukuyan kasi, ang Its Showtime ang nasa noontime slot ng TV5. Ngunit nang inanunsyo na lilipat na ang TVJ at mga original DABARKADS sa nasabing network ay maraming netizens ang napatanong kung ano na ang mangyayari sa Its Showtime. Kung mananatili paba ito sa nasabing network o hindi.


(ads)


May nagsilaban kasing rumor na umanoy sa June 30 na magtatapos ang kontrata ng nasabing Kapamilya noontime show sa TV5. At meron ding rumor na umanoy eere pa ang Its Showtime sa TV5 ngunit delayed daw ang telecast nito. 


Sa gitna ng nagsilabasang rumor ay tahimik lang kampo ng Its Showtime. Nang makapanayam naman si Tito Sotto ng Inquirer ay natanong siya kaugnay sa nasabing isyu. Sabi niya: "Ay hindi po kami nakikialam sa usapin na ‘yon," 


Sinabi rin ni Sotto na ang istasyon na raw ang didiskarte kung ano ang kanilang gawin at hindi raw sila mangingialam: "Ang istasyon po ang bahala pagdating do’n sa airtime at sila na ang didiskarte kung papaano po ang gagawin. Hindi po kami nakikialam do’n sa parte na ‘yon," sabi ni Sotto 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form