Vice Ganda may patama sa TV5? “Magandang ka-partner ng 7, number 2!”

Usap-usapan sa social media kamakailan ang binitawang hirit ni Vice Ganda sa isang segment ng Its Showtime.

📷 Its Showtime


Sa segment na Rampanalo nitong Biyernes June 23, ay number 5 ang numerong pinipili ng madlang pipol.


(ads)


“Parang lahat number 5!” sey ni Amy Perez.


Humirit naman agad si Vice Ganda at kanyang sinabi na number 7 daw ang magandang ka-partner ng 2.


“Dahil magkakaiba ako na ang pipili. 7 ang number natin!” diin na hirit ni Vice.


“Magandang ka-partner ng 7, number 2!” banat pa ng ‘Unkabogable’ star.


Pinapatamaan nga kaya ni Vice ang TV5 sa kanyang hirit? Matatandaan na inanunsyo kamakailan ng ABSCBN na simula July 1, ay mapapanood na sa GTV ng GMA Network ang Its Showtime.


Tumanggi kasi sila sa alok ng TV5 na ilipat ang kanilang timeslot sa 4:30 ng hapon mula sa pagiging noontime show.


Pwede mong panoorin dito ang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form