Vice nagrequest na maguest sa isang show ng GMA; sa Jessica Soho nga ba?


Nagrequest ang komedyante, Its Showtime host at Kapamilya superstar na si Vice Ganda na mag-guest sa isang show ng GMA Network.

Vice nagrequest na maguest sa isang show ng GMA; sa Jessica Soho nga ba?


Matatandaan na kamakailan lang ay inanunsyo ng ABSCBN na simula ngayong July 1 ay mapapanood na si GTV ng GMA Network ang noontime show ng Kapamilya Network na Its Showtime.


(ads)


Sa katunayan ay nagkaroon na ng contract signing kahapon, June 28 2023 ang dating magkatunggaling giant network na ABSCBN at GMA na tila katapusan na ito ng network war. 


At dahil dito ay ibinunyag ni Vice sa kanyang vlog na gusto umano niyang maguest sa isang show ng GMA. Hindi man niya sinabi kung anong show ito ngunit hinala ng ilang netizens ang show ni Jessica Soho na "Kapuso Mo Jessica Soho” ang kanyang pinatutungkolan. 


Kwento ni Vice sa kanyang vlog:


“Sabi ko, Tita Cory, Meron lang akong request. Since maggi-guest tayo sa mga GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito?


"Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Sana ma-guest ako sa show na ito. Tapos sabi ni Tita Cory, ‘Sige. Sasabihin natin sa mga bosses. Tingnan natin kung magagawan ng paraan.’


"Let’s see. Gusto ko lang talaga mag-guest dun sa show na yun.


"Sana matuloy, at feeling ko ang daming ang nag-aabang nun. Feeling ko, ang daming excited. Ang dami ring mga umiikot ang puwet at curious kung puwede kayang syang mag-guest dun? Makakapag-guest kaya sya dun?


“I-invite kaya siya dun? What if kung mag-meet sila? So gusto ko yun. Ni-request ko yun sa management. Kung mapagbibigyan, ang ganda! Kaya abangan nating lahat."


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form