Viral Fan na pumasok sa dressing room ni Lea Salonga nagsalita na: "Para akong ipis na tinapakan"


Binasag narin sa wakas ng isang viral na fan na pumasok sa dressing room ni Lea Salongga ang kanyang katahimikan kaugnay sa video na nagviral kamakailan lang. 

Viral Fan na pumasok sa dressing room ni Lea Salonga nagsalita na: "Para akong ipis na tinapakan" 


Kamakailan lang ay nainterview ang nasabing fan na si Christopher Carpila sa isang exclusive interview ng broadcaster na si Julius Babao. 


(ads)


Sa nasabing panayam ay naglabas ng saloobin si Christopher, aniya wala raw siyang intention na siraan si Lea ngunit sabi niya first daw yun na nangyari sa kanya na parang umanong ipis na tiniris. 


"Wala po akong intention tulad nung sinasabi ng mga tao na sinisiraan ko siya or whatever," sabi ni Christopher 


"It's just that alam mo, 'yung naramdaman ko. First time ito...Siguro parang way ko 'yun para mailabas 'yung... ano kasi, iba talaga ang naramdaman ko noong gabi na 'yun...Para akong ipis na tinapakan o kuto na tiniris. Lahat kami natulala," dagdag pa niya 


Kwento pa niya, wala raw siyang ginawang masama kaya confident umano siya. Hindi rin umano siya naapektuhan sa pambabatikos na kanya ngayong natanggap.


Pwede mong panoorin dito ang kabuuang interview:

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form