Ogie Diaz naglabas ng saloobin sa umanoy pande-deadma ni Kim Chiu sa kanya

 Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz sa umanoy pande-deadma ng Its Showtime host na si Kim Chiu sa kanya.

Ogie Diaz naglabas ng saloobin sa umanoy pande-deadma ni Kim Chiu sa kanya


Sa kanyang latest post sa "Showbiz Update" vlog sa youtube ay naibahagi ni Ogie na pinadalhan umano niya ng mensahe si Kim. 


(ads)


Nagreply pa umano ito sa una ngunit nang tanungin raw niya kung pwedeng maka one-on-one interview ang actress ay di na raw ito nagreply. 


"Sabi ko, Kimmy... Sabi niya 'Yes Mama', sabi ko 'baka pwede kitang maka-one on one interview. 'Di ako sinagot. Tapos nagtext ulit ako, ah baka busy ka lang. 'Di bale next time na lang sabi kong ganon," sabi ni Ogie at naisip na lamang umano niya na baka busy ang actress 


Ngunit paglilinaw ni Ogie wala umano siyang nararamdamang galit kay Kim ngunit aniya sana raw ay sumagot si Kim kung magpa-pass ito or tumanggi sa interview. 


"Kim Chiu, hindi ako galit sa'yo. Ako pa ba. Sana lang sumagot na Mama, pass muna, edi mas matatanggap ko 'di ba. Pero 'yung dedma, natatanggap ko pa rin naman at normal "sabi ni Ogie 


Pwede mong panoorin dito ang kabuuang pahayag ni Ogie Diaz:

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form