Pokwang sinasabing ayaw munang magdyowa kahit maraming nanliligaw sa kanya

 

Ibinunyag ni Pokwang na ayaw raw muna niyang magkadyowa kahit marami umanong nanliligaw sa kanya. 

Pokwang sinasabing ayaw munang magdyowa kahit maraming nanliligaw sa kanya 


Sa isang episode ng Kapuso Show na Dapat Alam Mo, ay game na game na sinagot ng komedyante ang tanong ng host na si Kuya Kim at Susan Enriquez. 


(ads)


Isa sa tanong ay tungkol sa mga umaaligid sa kanya ngayon lalo't siya ay single na.“Maraming nag-a-apply. Kaya lang naku sandali, kapag nalaman niyo ‘yung monthly amortization ko baka hindi na kayo magparamdam,”ang naging sagot ni Pokwang 


Nang matanong naman siya kung may nagustuhan ba siya sa mga nanliligaw sa kanya. Sagot niya: “Wala, ayoko muna ngayon. Hindi ‘yan ang kasagutan sa akin. Kuya Kim, magtatrabaho tayo nang magtatrabaho, ‘yun ang goal ko ngayon.”


Naibahagi din ni Pokwang na kung sakali umano na may manliligaw sa kanya na foreigner ay sana raw ay masipay na at responsable. “Siguro ‘yung may trabaho na, may sarili siyang kita.”


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form