Daniel Padilla nagreact sa pagtanggap ng award ni Kathryn sa Seoul Korea


Nagreact na si Daniel Padilla sa pagtanggap ng award ni Kathryn Bernardo kamakailan sa Seoul Korea.

Daniel Padilla nagreact sa pagtanggap ng award ni Kathryn sa Seoul Korea

Ang nasabing award na natanggap ni Kathryn ay ang “Outstanding Asian Star" award sa Seoul International Drama Awards (SDA) 2023.

 

(ads)


Kaya naman sa panayam ng ABSCBN News kay Daniel Padilla ay ibinahagi niya na si "wala nang iba na mas deserving pa kundi si Kathryn lang" sa naturang award.


"Siyempre unang-una, for the whole cast, it is an achievement. And siyempre para kay Kathryn, wala na 'kong—wala nang iba na mas deserving pa kundi si Kathryn lang sa lahat ng trabaho na ibinibigay, dedikasyon na binibigay niya sa trabaho niya, sa craft. " sabi ni Daniel sa isang panayam ng ABS-CBN News.


(ads)


"Wala nang ibang mas deserving pa kundi si Kathryn lang. Kaya I'm just very proud syempre representing Philippines din," dagdag pa niya 


Si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kilala rin bilang KathNiel, ay isa sa mga pinakapinag-uusapang tambalan sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Mula sa kanilang mga unang proyekto, tulad ng "Growing Up," naging mahigpit na mga kaibigan at pagkatapos ay mas naging malalim ang kanilang pagmamahalan. 


Ang kanilang mga pelikulang "She's Dating the Gangster," "Crazy Beautiful You," at "The Hows of Us" ay nagbigay daan para kilalanin sila sa buong mundo. Ang KathNiel ay hindi lamang mga magagaling na aktor, kundi sila rin ay inspirasyon para sa mga kabataan at patunay na ang pag-ibig at propesyon ay maari magkasama.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form