Elha Nympha emosyonal na ibinahagi ang hirap na dinaranas niya kaugnay sa kanyang health condition


Di mapigilang maging emosyonal ni Elha Nympha kaugnay sa kanyang pinagdaanan ngayon tungkol sa kanyang health condition.

Ella Nympha emosyonal na ibinahagi ang hirap na dinaranas kaugnay sa kanyang health condition 

Ibinunyag niya ito sa kanyang guesting sa Magandang Buhay na kung saan sinabi niya na mayroon siyang hormonal imbalance na kadalasang problema umano ngayon sa mga kababaihan. Aniya pa may paliwanag pa tungkol sa kanyang sakit ngunit sa ngayon ay hindi pa umano niya kayang i-share.


(ads)


"Common po ito sa mga babae like hormonal imbalance, ganun po. Pero may mas deep pa po na explanation sa problema ko po na hindi pa po ako ready i-share. Up until now, nagpapagamot po ako." sabi ni Nympha


Samantala nabanggit din ni Regine na naging mahirap para kay Elha ang maging parte ng ASAP dahil iniisip niya ang tungkol sa pagtaas ng kanyang timbang. Subalit nilinaw ni Regine na kasama si Elha sa ASAP dahil sa kanyang natatanging talento. 


(ads)


Narito ang video na ibinahagi ng Magandang Buhay.

 
Si Elha Nympha ang unang Pinoy na nagwagi sa "The Voice Kids" sa bansa noong 2015. Ito ang naging simula ng kanyang matagumpay na karera sa musika. 
Pinarangalan din si Elha bilang "Pambansang Paborito" sa People's Choice Award ng Aliw Awards noong 2019, isa sa mga pinakaprestihiyosong pagkilala sa mundo ng sining at pag-awit sa Pilipinas. 

Ang kanyang pagganap ng kantang "Chandelier" ay nagtrend sa buong mundo at nagdala sa kanya ng imbitasyon na mag-guest sa "The Ellen DeGeneres Show." May dalawang album si Elha, "Elha" at "Now Is the Time," kung saan inilalabas niya ang kanyang husay sa pag-awit sa mas marami pang tao.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form