'Hindi ko siya dini-deny': Joshua tapat na inamin ang tunay na relasyon nila ni Emilienne Vigier


Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Joshua Garcia kaugnay sa tunay na relasyon nila ni Emilienne Vigier.

'Hindi ko siya dini-deny': Joshua tapat na inamin ang tunay na relasyon nila ni Emilienne Vigier


Si Emilienne ay isang French-Filipina golfer. Sa isang panayam ay tapat na ibinahagi ni Joshua na hindi niya ito idi-deny.


(ads)


“Para maklaro na lahat and wala nang maitanong ang lahat. Baka kasi sabihin nila, dini-deny ko 'yung babae, 'di ba?" ayon sa Kapamilya actor.


"Hindi ko siya dini-deny. It's just that, ako and her decided not to share it to everyone. Kasi 'yung relationship na 'yan ay kami lang naman 'yung parte dun e," dagdag niya.


(ads)


Ibinahagi rin niya ang kanyang natutunan sa showbiz tungkol sa pakikipag-relasyon. Yun ay ang gawin itong pribado.


"Galing na kasi ako sa iba't ibang klaseng relationship. Every time na sine-share ko siya sa lahat, parang nagkakagulo, alam mo 'yun? Nagiging shaky 'yung relationship kasi," aniya.


"Parang this time, mas pinapahalagahan ko 'yung privacy ko para sa ganung aspect. Ganung klaseng ano... hindi lang dun, pati sa pamilya ko, 'di ba? Hangga't maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo," sey niya.


Si Joshua Garcia ay isang kilalang aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong Oktubre 7, 1997, sa Bauan, Batangas, naging kilala si Joshua dahil sa kanyang mahusay na pag-arte at charisma sa harap ng kamera.


Isa sa mga unang proyekto ni Joshua ay ang teleseryeng "The Good Son," kung saan kanyang pinakita ang kanyang husay sa pagganap bilang isang conflicted na karakter. Sumiklab ang kanyang karera sa pelikulang "Vince & Kath & James" noong 2016, kung saan kinilala siya bilang isang promising leading man.


Dahil sa kanyang natural na talento at dedikasyon sa pagganap, patuloy si Joshua sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood at patuloy na pumipilantik ng mga puso sa showbiz.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form