Kathryn inulan ng paghanga matapos pagbigyan ang fan na pinigalan ng security

 

Mabilis na nagviral sa social media ang video ni Kathryn Bernardo na kung saan pinagbigyan niya ang fan na pinigilan ng security.

Kathryn inulan ng paghanga matapos pagbigyan ang fan na pinigalan ng security  [đŸ“·: Lily Ganados/Twitter]

Ang nasabing video ay ibinahagi ng isang twitter user na si Lily Ganados. Sa video makikitang gustong lumapit ng isang fan sa actress. 


(ads)


Ngunit agad siyang pinigilan ng security at sinubukan nitong pababain sa stage. Nang mapansin ito ni Kath ay pinatigil niya ang ginawa ng security at masayang pinagbigyan ang fan. 


Marami naman ang humanga sa actress. Ilang netizens din ang pinagtanggol ang security at sinasabing ginawa lang nito ang kanyang trabaho. 


(ads)


Narito ang video na ibinahagi ni Lily Ganados sa kanyang twitter account:



Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga pinakatanyag na artista sa industriya ng Philippine showbiz. Isinilang noong Marso 26, 1996, itinuturing siyang isa sa mga teen queen ng bansa. Nagsimula ang kanyang karera bilang isang child star sa Goin' Bulilit at lumawak ito sa mga makabuluhan at makakapansin na mga papel sa mga teleserye at pelikula. Isa siyang batikang aktres na nagtataglay ng galing sa pag-arte, na kinilala ng maraming award-giving bodies. 


Bukod sa pag-arte, nagiging inspirasyon si Kathryn sa kanyang simpleng personalidad at adhikasyon sa trabaho. Sa pag-usad ng kanyang karera, patuloy niyang pinapatunayan ang kanyang husay sa entablado at sa harap ng kamera, nagpapakita ng inspirasyon sa mga kabataan at mga tagahanga. Isang mahusay na modelo at artista, si Kathryn Bernardo ay patuloy na nagbibigay-kulay at saya sa Philippine entertainment industry.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form