Erik Santos tapat na inaming gusto rin niyang magkaroon ng asawa at magkaroon ng pamilya

 

Tapat na inamin ng singer nai si Erik Santos na gusto rin niyang magkaroon ng asawa at magkaroon ng sariling pamilya.

Erik Santos tapat na inaming gusto rin niyang magkaroon ng asawa't at magkaroon ng pamilya 

Inilahad ito ni Erik base sa artikulo na inilabas ng Bandera. Ayon kay Erik hindi raw maganda na tumandang mag-isa. Kaya panalangin niya na sana balang araw ay magkaroon rin siya ng sariling pamilya. 


(ads)


Nabanggit rin ni Erik na ang hinahanap niya sa isang babae ay yung maintindahan ang kanyang trabaho. 


“Siyempre po naman, hindi rin magandang mag-isa sa buhay. So, hopefully, I’m really praying, in the near, near, near future na magkaroon na rin po ako ng sarili kong pamilya"sabi ni Erik sa panayam nito sa Bandera 


(ads)


"To be honest, siyempre, ‘yung mauunawaan ang trabaho ko at makakasundo ko at makakasundo ng personalidad ko. Makakapag-adjust ako at the same time, makakapag-adjust siya sa akin," dagdag pa niya


Si Erik Santos ay isang kilalang mang-aawit mula sa Pilipinas na masasabing isa sa mga premyadong boses ng bansa. Isinilang noong October 10, 1982, nagsimula siyang sumiklab sa industriya ng musika matapos manalo sa isang sikat na singing competition, ang "Star in a Million" noong 2003. Mula noon, patuloy niyang pinasiklab ang kanyang karera sa musika.


Nakamit ni Erik Santos ang mga parangal mula sa iba't ibang award-giving bodies, patunay sa kanyang natatanging kakayahan sa pag-awit. Kilala siya sa mga awiting tumatalakay sa pag-ibig at emosyon. Bukod sa pag-aawit, ipinakita rin niya ang kanyang husay sa pag-arte sa ilang teleserye at musicals.


Sa kabila ng kanyang tagumpay, nananatiling humble at dedicated si Erik Santos sa kanyang craft, patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga bagong henerasyon ng mang-aawit sa Pilipinas.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form