"Katol" comment ni Vice Ganda sa post ni Nadine Lustre viral; actress nagreact

 

Agaw pansin ngayon sa social media ang "Katol" comment ni Vice Ganda sa isang post ni Nadine Lustre.

"Katol" comment ni Vice Ganda sa post ni Nadine Lustre agaw pansin sa social media


Sa kanyang post sa instagram nito lamang September 19, ay nagbahagi si Nadine ng larawan ng dalawang taong nagholding hands sa isang grassland. 


(ads)


Nang makita ni Vice ang nasabing post ni Nadine ay napareact ito at nagbiro na baka raw may ine-endorse na katol ang actress. 


"Wow parang may ine-endorse kang katol soon! Chozzzz! Love you!" sabi ni Vice 


Sumagot naman si Nadine sa naging biro ni Vice at sabi niya: "dragon kung umusok. lamok siguradong tepok"



Si Nadine Lustre ay isang tanyag na Filipino actress, mang-aawit, at modelo. Siya ay ipinanganak noong October 31, 1993. Nakilala si Nadine sa pagsabak niya sa mundo ng showbiz at pagganap. Ang pelikulang "Diary ng Panget" noong 2014 ang nagbigay daan sa kanyang pag-angat sa kasikatan.


Sa kabila ng kanyang magandang mukha, kilala rin siya sa kanyang kahusayan sa pag-arte. Ibinahagi niya ang kanyang galing sa mga proyektong tulad ng "On the Wings of Love" at "Never Not Love You."  


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form