Kim Chiu tapat na inaming kinabahan sa daring scenes sa viral series niyang Linlang

 

Tapat na inamin ng actress na si Kim Chiu na kinabahan siya sa viral digital series niya na Linlang.

Kim Chiu tapat na inaming kinabahan sa daring scenes sa viral series niyang Linlang [Photo Screenshot from: Prime Video]

Sa nasabing series, ginampanan ni Kim ang role bilang asawa ni Paolo Avelino na nagkaroon ng relasyon sa ibang lalaki na ginampanan ni JM de Guzman. Aniya hindi raw siya komportable gumawa ng daring scene at hindi niya ito inaasahang magagawa niya sa kanyang career. 


(ads)


 "Parang ito yung role na hindi ko naisip na gagawin ko siya in my whole acting career. Second day pa lang ng taping namin ginawa namin yung eksana yun ni Paulo. Kinakabahan pa rin ako, pero parang sige A game siya so A game din ako. Kunyari seryoso nalang ako"sabi ni Kim base sa report na inilabas ng Bandera


Samantala aminado rin si Paolo na hindi rin siya komportable sa mga daring na eksena at kinabahan rin umano siya.


(ads)


"Kinakabahan din ako. Intimate scenes like those are really…lagi ako kinakabahan kapag may ganu’n. I’m not comfortable doing it. I’ll do it based on my character in the script. As a person, never ako naging komportable talaga sa mga eksenang ganu’n" sabi ni Paolo 



Si Kim Chiu ay kilalang aktres sa Pilipinas na sumiklab sa industriya ng showbiz matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Sa loob ng mga taon, ipinakita niya ang kanyang husay sa pag-arte sa mga teleserye tulad ng "My Girl" at "Ikaw Lamang." Bukod sa pag-arte, naging inspirasyon si Kim dahil sa kanyang dedikasyon sa pag-aaral, na naging daan para makatapos siya ng kursong management sa De La Salle University. Siya rin ay isang produktibong endorser at may malalim na karanasan sa industriya ng musika. Isang mahusay na halimbawa ng kabataang Pilipino na nagtatagumpay sa iba't-ibang larangan ng sining.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form