Matet de Leon naglabas ng saloobin matapos siyang pinalipat nang pumila sa PWD Lane: "Hiyang hiya ako"

Naglabas ng kanyang saloobin si Matet de Leon, kaugnay sa kanyang karanasan ng pumila siya sa PWD lane. Nilinaw ng actress na mayroon umano siyang Bipolar Disorder.

Matet de Leon naglabas ng saloobin matapos siyang pinalipat nang pumila sa PWD Lane: "Hiyang hiya ako" 


Kwento ni Matet sa kanyang post, pinagtitinginan umano siya ng mga tao sa kanyang pinupuntahang supermarket matapos siyang pumila sa PWD Lane. Kinalabit pa umano siya ng isang yayamaning babae at pinapalipat ng Lane. 


(ads)


"I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket. Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane."kwento ni Matet sa kanyang post 


Inamin din ni Matet na nahihiya raw siya sa nangyari matapos siyang pumila sa pwd lane.


"Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko.. Pumila kasi ako sa pwd lane.. Wala akong kasunod na senior o may visible disability kaya nag decide ako na doon na pumila. Kung saan ako dapat"sabi ni Matet 


Sabi pa ni Matet : "Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba.. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa. Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana huwag nang pabigatin pa ng iba.. Sana huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin mga id namin.." 


Samantala nagbigay rin siya ng payo sa mga kagaya niyang PWD: "At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. Yun lang"

Matet de Leon naglabas ng saloobin matapos siyang pinalipat nang pumila sa PWD Lane: "Hiyang hiya ako" 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form