Cryptic Post ni Janice de Belen patungkol sa "Karma" sa gitna ng isyu nina John Estrada at Priscilla Meirelles usap-usapan

Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng actress at Dirty Linen star na si Janice de Belen patungkol sa karma sa gitna ng isyu ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.

Cryptic Post ni Janine de Belen patungkol sa "Karma" sa gitna ng isyu nina John Estrada at Priscilla Meirelles usap-usapan 

Sina Janice de Belen at John Estrada ay dating mag-asawa. Sila ay nag-divorced noong 2002 nang lumabas ang mga akusasyon na umanoy may affair ang actor sa co-host nito sa Magandang Tanghali, Bayan na si Vanessa del Bianco. 

Nagkaroon rin nang tatlong anak si John kay Janice. Sina Inah, Moira, at Kaila. Samantala ikinasal sina John Estrada at kanya ngayong asawang si Priscilla sa isang beach weddign ceremony noong February 26, 2011. Sila ay biniyayaan ng isang anak na si Sammanta Anechka.

Nito lamang nakaraan ay tila nagkaroon ng problema ang relasyon nina John at Priscilla matapos magpost ng sunod-sunod na cryptic post ang model. May tanong rin ito sa kanyang mga followers kung ano raw ang tawag sa babaeng pumapatol sa babaeng mayroon ng asawa.

Sa gitna ng isyu nang dalawa, ay naging usap-usapan naman ang tila patama post ng "Dirty Linen Star" na si Janice de Belen. Sa naturang post ay nagbahagi siya ng artcard tungkol sa "karma".

Mababasa sa artcard na: "Karma: No need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and if you are lucky it will let you watch." 


Wala naman ibang pahayag si Janine kung para kanino ang kanyang post. Kung may pinapatamaan ba siya nito o wala.

Sa ngayon ay isa si Janice sa cast ng hit kapamilya series na "Dirty Linen" samantalang si John Estrada naman ay sa "Fpj's Batang Quiapo". 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form