Neri Miranda umalma sa nang-okray sa kanyang P1000/week meal plan


Umalma ang "Wais na Misis" na si Neri Miranda sa mga netizen na kung saan siya ay binatikos dahil sa kanyang meal plan na P1000 sa isang linggong para sa isang pamilya.

Neri Miranda umalma sa nang-okray sa kanyang P1000/week meal plan


Ayon kay Neri, yung nambabash raw ay yun pang hindi niya mga followers.


(ads)


"Kayo talaga, kayo na nga binigyan ng sample at idea ng meal plan, yung mga di followers, makapagbash lang," ani Neri.


Kaya ipinaliwanag ni Neri na ang nasabing meal plan ay para sa kanyang followers na alam na ang kanyang diskarte.


"Sa mga followers ko na alam na palagi kong sinasabi na matutong magtanim sa bakuran o sa paso para makatipid sa ingredients. At kung kaya pang mag alaga ng mga manok para palaging may fresh eggs sa bahay. Malaking tipid po yun. Dun nyo kunin ang ingredients," sey niya


"Depende rin po kung gaano kayo karami. Maiiba syempre ang budget nyo. Kung 1-3 katao per house at katamtaman lang ang kain, kaya yan," dagdag pa nito


"Kailangan talaga may explanation at disclaimer after. Maraming paraan para makatipid, umpisahan na para maging wais sa buhay. Masaya yun!" sabi pa ni Neri


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form